First time kong magblog...pa try lang...hehehe...ito first post ko...di ko lam kung pano sisimulan....bxta diniretso koh nlang...hehehe...penge nlang suggestions at comments after nioh poh mabasa...i really nid dat para maimprove koh ung pagsusulat ko...heheh...tenchu!.,geh basa na...:D
"Boo" isang halimbawa ng tinatawag na Terms of Endearment, isang payak na salita na may tatlong letra na nagbigay sa akin ng malalim at matinding kahulugan. Dahil sa isang tao na dumating sa buhay koh ng di inaasahan.
Ang taong yon ay nakilala ko dahil sa isang "Clan" (BPC-Bobong Pinoy Clan) isang clan ng mga masugid na tagahanga sa manunulat na si Bob Ong. Sa umpisa ay normal lang kaming nagkakatext, kamustahan, kwentuhan, asaran at kung minsan walang kwentang usapan...hehehe...Lumipas ang ilang mga araw naging malapit kami sa isa't isa (kahit sa text lang). Bilib ako sa taong yon, ang dami nya kasing nalalaman, para siyang "walking Encyclopedia" hehe...Masaya siya kausap, marami akong natututunan sa kanya. Kung minsan pa nga inaabot kami ng madaling araw sa pagtetext. May mga pagkakataong tinatawag nya ako sa iba't ibang katawagan gaya ng "Strawberry"..(sagot ko sa kanya...aba! prutas na pala ako ngayon?!hehehe..) nung umpisa hindi ko masakyan ang trip ng lalaking yon. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto nyang may mga tinatawag syang Terms of Endearment sa mga babae gaya ng sa kanila ng iba pa naming ka-clan. Pero ganunpaman pumayag na rin ako sa kasunduang tatawagin naming "bOo" ang isa't isa...hehe... Animo'y naglalaro lang kami nun sa tawagang iyon.
Lumipas ang ilang araw. Hindi ko lubos akalain na magtatapat sya sa akin ng kanyang nararamdaman. Nung una hindi ako naniwala (ang hirap maniwala lalo na sa sitwasyon namin). Ngunit di nagtagal, sa halos araw-araw naming magkausap sa text, tawag at kung minsan sa chat, unti-unti nyang napapatunayan sa akin na karapat dapat ko syang pagkatiwalaan. Nararamdaman kong nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya. Pinilit kong pigilan at lumayo sa bugso ng damdaming iyon, pero sadyang mahirap kalabanin ang puso.
Isang araw, sa aming pag-uusap ibinahagi namin sa isa't isa ang mga karanasang aming pinagdaanan, maganda man ito o hindi,(ewan ko ba kung anong nakain namin nun bakit biglang ganun...hehehe) pati mga sekreto na siyang naging daan upang lalo kaming magkalapit sa isa't isa. Naramdaman ko ang pagtanggap niya sa akin sa kung ano at sino ako. At natutuwa naman ako dahil dun.
Marami akong hiningian ng payo tungkol sa aming sitwasyon. Mahirap para sa akin ang nararamdaman kung iyon, hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko para sa kanya, natakot rin akong masaktan. May mga tanong sa aking isipan...bakit siya pa?...bakit siya na malayo sakin at ni minsan hindi ko nakasama?...bakit ganun?...Ang tanging alam ko lang na sagot sa aking katanungan ay MAHAL KO SIYA at MASAYA AKO SA KANYA. Oo, ang lalaking yun na malayo sa akin at di ko matanaw ang pinili ng puso ko para ibigin.
Hindi pa ako sigurado sa talagang nararamdaman nya para sa akin, may mga oras na nagdududa pa rin ako. Pero naisip ko rin nun, kung totoo man o hindi ang nararamdaman nya para sa akin, ang tanging alam ko lang ay mahal ko siya at handa na akong masaktan dahil sa pag-ibig na yon, napag isip-isip ko rin pano kung totoo nga yong nararamdaman nya?, kawalan ko naman pag hindi ko sinubukan, isa pa kung masaktan man ako, ok lang...hindi ko naman ikakamatay yon.
Araw pa ang nagdaan...naging kami rin. Yes! We are officially boyfriend and girlfriend. Sa umpisa ng aming relasyon masasabi kong kami ay masaya kahit may mga konting pagtatampuhan at maliliit na problema, nakaya naman naming lampasan, dahil na rin sa tulong ng ilang mga kaibigan na laging anjan pra magbigay ng suporta at payo sa aming relasyon. Nagdaan ang ilan pang mga araw, animo'y samin lang umiikot ang mundo, puno ng pagmamahal at kasiyahan ang naramdaman ko sa kanya. Hindi naging hadlang ang layo namin para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Nagplano rin naman kaming magkita balang araw.
"There's always that one person
That will always have your heart
You'll never see it coming
Cause you're blinded from the start
Know that you're the one for me
It's clear for everyone to see
Ooh baby ooh you'll always be my Boo..."
That will always have your heart
You'll never see it coming
Cause you're blinded from the start
Know that you're the one for me
It's clear for everyone to see
Ooh baby ooh you'll always be my Boo..."
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Halos isang linggo lang...kailangang dumating sa point na we need to end the relationship we have. Masakit! mahirap! kulang ang mga luha para mapawi ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yon, mabigat sa loob ko ang nangyari lalo na't napamahal na siya sa akin ng sobra. Lahat ng mga pangako at pangarap biglang naglaho ng parang bula. Nang dahil sa pagtatago ng katotohanan, tatlong puso ang nasaktan. :(
Sa mga panahong iyon hindi ko alam kung paano ako aahon sa pagkakalubog sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Ayoko man siyang mawala sa akin, wala akong magagawa, kailangan ko siyang palayain, masyadong komplikado ang aming sitwasyon. Pilitin ko man ang sarili ko na kalimutan at iwasan siya, sadyang matigas ang puso ko, mahirap para sa akin, kaya mas pinili ko pa ring kami'y manatiling magkaibigan, atleast ng sa ganun, hindi siya tuluyang mawawala sa akin. Oras at panahon lang ang makakapagsabi kung kelan maghihilom ang sugat.
Gayunpaman, hindi ako nagsisisi na siya ang minahal at pinili ko. Nasaktan man ako ng sobra, wala namang katumbas na kaligayahan ang ibinigay at pinaramdam niya sa akin nung mga panahon pag-aari pa namin ang isa't isa...(ay! siya lang pala nagmay-ari sakin, dalawa pala kaming nagmay-ari sa kanya :D)
BOOkya man ang nangyari sa aming relasyon, habamBOOhay ko namang papahalagahan at aalalahanin ang bawat sandali nung kami'y nagmamahalan pa. Kailan man di ko makakalimutan ang isang tao na BOOmago sa aking buhay.
‘Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!’
- Bob Ong
- Bob Ong
Tayong lahat ay may iba't ibang kwento ng pag-ibig. Mapa happy ending o sad ending man ang istorya. Naniniwala pa rin ako na lahat tayo ay may nakatakda para sa atin. Masarap magmahal...masakit magmahal...masaya magmahal...mahirap magmahal...Lahat na yata ng emosyon nasa pag-ibig na, pero diba dahil sa pag-ibig nagiging kompleto tayo, dahil sa pag-ibig nagagawa natin ang imposible, dahil sa pag-ibig patuloy pa rin tayong nabubuhay, lahat tayo kailangan natin ng pag-ibig. Nasaktan tayo pero kailangan natin bumangon, di dahil sa ibang tao kung di para sa sarili natin. May makikilala man tayo, ito ay nakatakda na sa istorya ng ating buhay. Hindi upang saktan tayo kundi para matuto tayo at maging totong TAO.
Basta ang masasabi ko lang, kung may nakita na kayo grab that opportunity to meet that person the moment passes by baka mawala na siya agad. Kung alam mong magiging masaya ka sa isang bagay, wag kang matakot, kunin mo agad baka maunahan ka pa ng iba. :) Piliin mo kung san ka magiging masaya hindi sa kung saan makakaiwas ka sa sakit. At yong mga nagsasabing nakita na nila yong soulmate nila, just give your best love, be CONTENTED in what you have, paramdam niyo na special siya sa puso at buhay niyo. Wag kayong gagawa ng ika-karegret ninyo sa huli.
"Tayo gumagawa ng tadhana natin. kung magpaparaya ka, kung pakakawalan mo yung taong mahal mo at alam mong mahal ka. Wag mong sabihin na tadhana yun! kalokohan! Kaw lang ang naging salarin sa lahat ng ginagawa mong sablay sa buhay"
-sya nagsabi nito (bOo)-
^^,
2 comments:
"aray nmn!" yan lang ang masasabi ko.... punong-puno ng emosyon... :-( pero ganun pa nmn, mahusay ang pagkakasulat mo.... basta't galing sa puso, wala kaming karapatang i-criticize ka. Ituloy mo lang ang pagsusulat... Gud luck kabobo!
ahhhh
xenxa newbie lng!!!
ganech pla ang s2rya niu
xenxa qng nagnhmsok aq
sa s2ryng d pla aq dpat ksali!!
peo ok lng
at least nakilala kita
salat n din at pingbgyn mo aq
makilala kah
chalamt^_^
pagp2loi mo yan
heheheheh
qng saan k nlng masaya
suportnta kah!!!
^_^
Post a Comment